“MUKHA AKONG TANGA,” deklara ni Prix nang lumabas ng silid. “Mukha kang malayo na sa sakit.” Iminuwestra ng lalaki ang sofa. “Maupo ka.” Walang imik na sumunod si Prix. Maliwanag na sa sala dahil binuksan nito ang malaking chandelier at iba pang mga ilaw doon. Mas nakikita na niya nang maayos ang kabuuan ng lalaki. Guwapo talaga. At kahit naka-upo ito sa isa sa mas maliit na sofa, halata pa rin ang haba ng mga binti nito. Hindi na nakakapagtaka dahil kahit medyo distracted siya sa kakisigan nito kanina ay napansin na niya kung gaano ito ka-tangkad. At…guwapo. Kahit halata ang pagka-suplado sa itsura, there was no denying he was absolutely gorgeous. “I said, sit down.” “I’m fine here. Thanks.” “Sit down now or you’ll have to remain standing until I finish my piece. At sinisiguro ko sa