MALALAKAS na ang hampas ng mga alon nang makarating sila sa isla. Pagkababang-pagkababa niya ng bangka ay siya namang pagsakay ng isang lalaki at agad nang umatras iyon pabalik ng dagat. “Miss, ingat ka!” “Salamat ho! Bukas nyo na ho ako balikan.” Ngunit ingay na lamang ng motor ng bangka ang sumagot kay Prix. Oh, well, at least, nakarating siya sa Isla Catalina. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar. Maganda. Makapal ang vegetation at maraming puno sa paligid. It was perfect for what she had in mind. Gusto pa sana niyang gumala-gala sandali pero nagsimula nang pumatak ang ulan. Doon lang niya naalalang wala siyang matutuluyan doon. “Talaga nga naman. Bakit ba iyon pa ang nakalimutan ko?” bulong niya sa kanyang sarili habang naghahanap ng masisilungan. Minsan talaga,