ANIKA Hindi matapos-tapos ang kwentuhan namin nina Mommy. Marami silang tanong, pero kaunti lang ang nasagot ko dahil wala talaga akong maalala pa. Ikinuwento ko sa kanila kung ano ang ginawa ko kay Harold at sa kabit niyang si Clara. Nagtanong rin si Mommy tungkol kay Claire dahil minsan ko na pala siyang ipinakilala sa kaniya noon nang palihim niya akong pinuntahan, kaya nakilala niya ang bata. “Kung sa akin ginawa ng walang-hiyang lalaking iyon ang ganyan, lahat sila nakabaon na ngayon sa lupa,” galit na sabi sa akin ni Ate Adirah. Tumigas ang kaniyang ekspresyon. Hindi maitago ang galit sa magandang mukha ng kapatid ko habang nakikinig siya sa mga sinabi ko kung paano ako nagising sa kumbento hanggang sa nalaman ko ang katotohanan tungkol sa relasyon nina Clara at Harold. “Let's m

