ANIKA Nasa opisina niya si Leo, kaya dito ako sa balkonahe nanatili. Gusto ko sanang tawagan si Kuya Aidan para tanungin siya kung may alam siya sa naging kaugnayan ko noon kay Leo, pero nakalimutan kong dalhin ang aking cellphone nang bumaba ako. Nagkasya na lamang ako sa pagtanaw sa malawak na bakuran ng bahay ni Leo. Malaki ang property niya. May hardin at malaking swimming pool din. May mga puno rin sa paligid, kaya kahit mataas ang sikat ng araw, ay hindi mainit sa pakiramdam dahil malilim ang paligid. Nakaramdam na ako ng pagkabagot, pero hindi ko pa kayang maghanap ng trabaho. Kailangan ko pang magpagaling, kaya mabuting huwag muna akong lumabas ng bahay. Napatingin ako sa aking mga binti. Nakakatayo na ako at nakakalakad, pero ang sabi ng therapist ko ay hindi pa raw ako puwed

