ANIKA Hinintay ko ang sagot ni Leo, pero wala akong narinig mula sa kaniya. Alam niya na naguguluhan ako, pero ayaw niyang magpaliwanag. Para bang okay na sa kaniya na ganito ang aking nararamdaman, kaya lalo lamang akong naghihinala sa kaniya. Binaklas ko ang kaniyang mga braso sa aking bewang. Kahit may kadiliman dito sa veranda dahil tanging ilaw mula sa lampshade sa loob ng kaniyang silid ang nakabukas ngayon at ang malamlam na liwanag mula sa kalahating buwan ang tanglaw, ay nakita ko kung paano niya ako tingnan. Para bang gusto niyang magtanong. Kumibot ang kaniyang mga labi, pero hindi siya nagsalita. Humakbang na ako palayo sa kaniya at minabuting maupo sa sofa dahil nakaramdam ako ng pagod at pananakit ng aking mga binti. Umupo naman si Leo sa tabi ko. Tahimik pa rin siya, per

