ANIKA Nagtanong ako kay Leo tungkol sa silid na iyon sa ikatlong palapag ng bahay niya, pero sinabi niya sa akin na mas mabuting magpokus umano ako sa aking healing dahil baka makasama sa akin kung pipilitin kong makaalala, lalo na at nagkakaranas ako ng sudden episode kapag may bago akong impormasyon na nalalalaman. “Believe me, it's for your own good, Anika,” sabi ni Leo sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi maalis sa isipan ko ang tungkol sa silid at sa painting. Maraming katanungan ngayon sa aking isipan, pero lalo lamang akong naguluhan dahil ayaw sagutin ni Leo ang aking mga tanong. Lumipas ang magdamag, pero kahit mahimbing na ang tulog niya, hindi ako dalawin ng antok. Pagod na ang aking isipan dahil pinipiga ko ang aking memorya, pero wala talaga akong maalala. Mahimbing na

