ANIKA Lumabas ako sa veranda para sumagap ng hangin dahil nahirapan akong huminga habang nasa loob ng silid na pinasok ko. Hindi ko alam kung anong meron sa mga painting na iyon kung kaya’t kakaiba ang epekto nito sa akin, pero kahit pigain ko ang aking isipan ay hindi ko maisip kung bakit ganoon ang naramdaman ko habang nakatingin ako doon. Hindi ko na binuksan ang ilaw dito sa veranda dahil maliwanag pa naman dito sa labas kahit lumubog na ang sikat ng araw. Nakatulong ang sariwang ihip ng hangin, pati na rin ang malamig na temperatura, kaya kumalma ang mabilis na pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo dito sa veranda habang nakasandal sa dingding at nakatanaw sa labas. Unti-unting dumilim na rin ang paligid. Nakita kong may dumating na sasakyan at pum

