ANIKA Gaya nga ng sinabi ni Leo, dumating ang wedding coordinator na kausap niya para sukatan ako para sa gagawin niyang wedding gown. Okay na sana ako sa simpleng gown lang, pero napilitan akong pumayag na magpa-customize ng aming damit pangkasal dahil kailangan namin itong gawin para wala kaming maging isyu sa aming mga pamilya kapag nagpakasal kami. Nakaupo ako dito sa hardin nang lumapit sa akin si Martha. May dala pala siyang merienda para sa akin, kaya natuwa ako nang makita ito. “Upo ka, Martha,” sabi ko sa kaniya. “Sige po, Ma'am.” Agad umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko si Martha. Alam kong naghihintay siya sa sasabihin ko, kaya ngumiti ako sa kaniya para mabawasan ang kabang nararamdaman ko. “Kumusta kayo ni Jhing dito sa bahay ni Leo?” tanong ko sa kaniya. “Mabuti nama

