ANIKA “I love you, Anika, at hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong ito na puwede kitang makasama.” Nangungusap ang mga mata ni Leo habang nakatingin siya sa akin at sinasabing mahal niya ako. Hawak niya ang aking kamay at ilang ulit rin niyang hinaplos ang aking hinlalaking daliri. “Pero, Leo, hindi ba malinaw ang kasunduan natin na magpapakasal tayo dahil gusto mong matapos na ang pag-reto sa iyo ng Lolo Sabby mo? Kaya hindi natin kailangang magkaroon ng relasyon,” sabi ko sa kaniya. “Magiging komplikado ang buhay natin kapag itinuloy natin iyan, tapos may nararamdaman ka pala sa akin.” Hindi agad sumagot si Leo. Mahigpit niyang hawak ang aking kamay, at para bang natatakot siyang bitawan ito dahil baka umalis na naman ako at iwan ko siya kapag nagbago ang isip ko. Pumiki

