ANIKA Sinalubong ko ang mga mata ni Leo nang tingnan niya ako habang hinihintay ko ang isasagot niya dahil kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay ayaw niya akong payagan na umuwi sa amin, pero ayaw ko munang sabihin ito sa kaniya dahil baka isipin niyang pinangungunahan ko siya. “Baby, gusto mo ba talagang umuwi sa inyo?” tanong sa akin ni Leo. Tumango ako dahil gusto ko rin namang makilala ang kapatid at nanay ko. Baka kapag nakasama ko sila sa isang bahay, makatulong ito para bumalik ang nawalang alaala ko. “Ayaw mo ba akong payagan?” malungkot na tanong ko kay Leo. Nakaramdam kasi ako ng lungkot dahil para bang ang hirap para sa kaniya na payagan akong makauwi sa bahay ng aking mga magulang. Marahang pumikit si Leo. Ilang sandali siyang nakapikit at nagpakawala pa ng malalim na bunton

