Chapter 54

1654 Words

ANIKA Approved na ang annulment ninyo ni Reyes, Anika. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang text message mula kay Kuya Aidan. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa loob lamang ng dalawang linggo dahil alam ko kung gaano katagal ang proseso nito at matagal rin matapos ang annulment dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko ay tuluyang naputol ang pising nag-uugnay sa aming dalawa ni Harold, at nakalaya na ako sa kaniya matapos kong mabasa ang text message mula sa kapatid ko. Halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman dahil sa wakas, malaya na ako sa mapagkunwaring kasal namin ni Harold. Hindi ko nga alam kung ano ba ang totoo sa tatlong taon na pagsasama namin bilang mag-asawa dahil maging ako ay inilihim ko sa kaniya kung ano ang tunay kong pagkatao. Itinago rin niya sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD