ANIKA Simula nang may nangyari sa amin ni Leo, hindi nawala ang pananakit ng aking katawan. Maghapon akong natulog dahil pagod na pagod ang aking pakiramdam. Hinayaan naman niya akong magpahinga dahil alam niya na kailangan ko ito. Kahit nakakatayo na ako at nakakalakad, nagpapagaling pa ako. Ilang buwan pa lang kasi ang nakakaraan simula nang naaksidente ako dahil sa kagagawan ni Clara, kaya hindi pa magaling ang mga binti ko. Nadislocate pa yata ang mga buto ko, kaya masakit talaga ang balakang at mga hita ko. Mabuti na rin na hinayaan akong magpahinga ni Leo dahil pakiramdam ko ay para akong binugbog ng dalawang tao. Hindi tuloy ako makabangon sa kama. Mukhang natuluyan akong nagkasakit dahil makirot ang aking ulo at nilalamig rin ako. Nakabaluktot ako sa kama habang balot ng maka

