ANIKA Tunog ng mahinang kaluskos at tinig ng mga kasama ko dito sa silid ang nagisnan ko nang magkamalay ako. Nakahiga na ako sa kama at may nakakabit na naman na karayom sa braso ko kasama si Leo at ang doktor ko para suriin ako. Napa-ngiwi ako nang gumalaw ako at nakaramdam ng sakit sa aking braso. Napansin agad ni Leo na gising na ako, kaya malaki ang hakbang na lumapit siya sa akin. “I'm glad you're finally awake, baby,” nag-aalala niyang sabi sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo, nahihilo ka pa ba?” “Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya, pero nakatingin ako sa aking doktor. “You passed out, Mrs. Mondego,” agad na sagot ng doktor. “Base sa mga detalyeng sinabi ni Mr. Mondego, nagkaroon ka ng interes sa mga impormasyon na may kinalaman sa nakaraan mo, at pagkatapos, nawalan ka ng m

