ANIKA Ilang milyon na ang nakuha namin ni Leo mula sa aming mga Ninong at Ninang bilang regalo, pero hindi nagpatalo ang kaniyang Lolo Sabby. Pinasayaw niya kami sa gitna bilang unang sayaw naming mag-asawa, pero may twist. Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ang emcee at agad niya itong kinausap. Biglang inabot ng babae sa kaniya ang mikropono at nagsalita ang Lolo Sabby ni Leo. “Mga mahinang nilalang!” narinig naming sabi ni Mr. Mondego sa mikropono. Nakaupo siya sa kaniyang wheelchair at nginisihan sina Daddy. “Tinuruan ko naman kayong yumaman, pero iyan lang ang ambag ninyo sa apo ko!” Natigil ang usapan sa paligid namin nang marinig namin ang panunumbat ng Lolo ni Leo sa aming mga Ninong at Ninang. Para bang lahat ay takot magsalita dahil baka mapansin sila ni Mr. Mondego

