Chapter 61

1465 Words

ANIKA “Ikaw na animal ka, anong ginawa mo sa apo ko at pumutok ang nguso niya, Alexander?” galit na tanong agad ni Mr. Mondego nang makita si Daddy. “Kadarating lang niya kasama ang may edad na babae at sa tingin ko ay asawa niya, pero namura na agad ni Mr. Mondego ang aking ama. Tahimik si Daddy, pero seryoso ang kaniyang ekspresyon nang humarap siya kay Mr. Mondego. Mukhang wala rin siyang pakialam kahit nagagalit ang bisita namin dahil sa pananakit na ginawa nila kay Leo kahapon. “Tigilan mo na iyan, Sebastian,” malumanay na sabi ng may edad na babaeng kasama ni Mr. Mondego. “Siguradong may ginawang kalokohan itong apo natin na hindi nagustuhan ni Alexander, kaya nasuntok siya kahapon.” Tumahimik si Mr. Mondego, pero matalim pa rin ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa aking

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD