ANIKA Humugot muna ako ng malalim na buntonghininga bago muling nagtanong kay Leo para palakasin ang aking loob dahil sa totoo lang, gusto ko nang hingin sa Panginoon na bumuka ang lupa at lamunin ako nito dulot ng labis na kahihiyan. Nagkamali ako sa ginawa ko noon. Nasaktan ko siya at napahiya ang mga pamilya namin sa lahat dahil tinakasan ko si Leo. Alam kong nakahihiya ang ginawa ko dahil parang sinuka ko na, kinain ko pa nang pumayag akong bumalik sa kaniya at ngayon ay nagpakasal pa kaming dalawa. “Baby, ayos ka lang ba?” malambing, pero bakas ang pag-aalala sa kaniyang ekspresyon na tanong ni Leo sa akin. “Nagalit ka ba sa akin nang iwan kita noon, o hanggang ngayon may nararamdaman ka pang galit dahil iniwan kita noon, Leo?” lakas-loob kong tanong sa kaniya. “No,” mabilis niy

