ANIKA Alam ni Leo na mas gusto kong nakabukas ang pintuan dito sa guestroom, kaya hindi na namin ito isinara para direktang pumasok ang hangin mula sa veranda. Dahil nandito sa bahay niya ang kaniyang Lolo at hindi pa umuwi, kailangan naming magkasama sa isang silid para maniwala siya sa pagpapanggap namin ni Leo. “Would you think it's better kung sa silid ko na lang tayo matulog?” tanong ni Leo sa akin. “No, dito na lang,” agad kong sagot dahil kinakabahan ako. Nahihiya rin ako sa kaniya dahil ngayon ko lang siya nakasama sa isang silid. Hindi ko ito napaghandaan, pero dahil nandito ang kaniyang Lolo, wala akong magawa kundi hayaan siyang pansamantalang samahan ako dito sa guestroom. “Maliligo muna ako, Leo,” nahihiyang paalam ko sa kaniya. “Alright,” agad niyang sagot. “Babalik n

