ANIKA Bahagya kong itinulak ang braso ni Leo. Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang aking mukha sa kabilang bahagi ng silid para magkaroon kami ng kaunting distansya dahil nahihirapan akong huminga. Para bang isang hangin lamang ang nalalanghap namin. Ramdam ko rin ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil naghahabol ako ng hininga, pero mas lalo lamang akong nahirapan, kaya pumikit ako at kinagat ang aking ibabang labi. “Anika, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?” “Hangin,” humihingal na sabi ko kay Leo. “Hindi ako makahinga…” “Dammit!” Narinig ko siyang napamura ng malakas at pagkatapos, pasigaw na tinawag si Martha. “Puwede mo ba akong dalhin sa veranda?” nakapikit na tanong ko kay Leo. “Sure!” Kailangan kong sumagap ng sariwang hangin, kaya alam kong makakatulong ito sa akin.

