Chapter 67

1860 Words

ANIKA “Totoo ba ang sinasabi ng Ate Adirah mo, Anika?” malakas na tanong ni Mommy sa akin. “She can't answer that, Mom,” sagot ni Ate Adirah. “Bakit hindi?” salubong ang kilay na tanong ng aking ina sa kapatid ko. “She forgot everything,” sabi ng kapatid ko. “Hindi ba, hanggang ngayon ay walang maalala si Anika, Mom?” Nagkibit-balikat siya at tiningnan niya ako na para bang may ibang laman ang isipan ni Ate Adirah kasi ramdam ko na may kakaiba kung paano niya ako tingnan, na tila ba puno ng pagdududa. “Perhaps… baka may naalala ka na, Anika, pero ayaw mo lang sabihin sa amin.” “Leave your sister alone, Adirah,” utos ni Daddy sa kapatid ko. “But, Dad—” “No buts, Adirah!” Nanulis ang dulo ng nguso ni Ate Adirah. Itinuloy niya ang pagkain, pero inirapan agad ako nang makita niya ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD