ANIKA Hindi maipinta ang mukha ko nang buksan ko ang pintuan at lumabas ako ng aking silid para harapin si Leo. Alas-dos na ng madaling araw, pero sunod-sunod at malalakas na katok ang narinig ko dito sa aking silid, kaya bumangon ako para harapin siya. “Baby, look—” “Save it, Leo! I don't need it!” matigas kong sabi sa kaniya kasabay ng pagtaas ng kanang kamay ko para pigilan siya. “Pakinggan mo naman ako, Anika,” pakiusap ni Leo sa akin, pero tiningnan ko siya ng matalim. “Get lost!” malakas na sigaw ko. Nakaturo ang daliri ko palabas ng hotel lounge, pero hindi siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. “I'm not leaving hangga't hindi mo ako pinakikinggan, Anika,” walang paligoy-ligoy na sabi sa akin ni Leo. Inirapan ko siya dahil galit talaga ako ngayon kay Leo. I don't want to see

