ANIKA Nagising ako dahil sa malakas na mga katok mula sa labas ng pintuan. Masakit ang ulo ko dahil madaling araw na ako nakatulog, pero alas-sais pa lang ay kailangan ko nang bumangon para tingnan kung sino ang kumakatok. Inalis ko ang nakayakap na braso ni Leo sa bewang ko at hinawi ang kumot na nakatakip sa aming mga katawan. Kahit inaantok pa ako, bumaba na ako sa kama at naglakad papunta sa pintuan. Ang aking ina ang agad bumungad sa akin nang buksan ko ang pintuan. Agad niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko, at pagkatapos, ngumiti sa akin si Mommy at tinanong kung masama ba ang pakiramdam ko. “Napuyat lang po ako kagabi, Mommy,” sagot ko sa aking ina. “Gano'n ba?” Marahan akong tumango sa kaniya kasabay ng pasandal ng likod ko sa gilid ng pintuan dahil nakakaramdam talag

