ANIKA Dahil buntis ako, hindi na namin pinatagal ang honeymoon namin dahil nauna na rin naman naming ginawa iyon noon. Dalawang araw lang kaming namalagi sa hotel, at pagkatapos, umuwi na kami sa bahay ni Leo dito sa Antipolo. Isang linggo na kaming kasal, at nakapagpa-check up na rin ako at nabigyan ng mga gamot at bitamina para sa development ng baby ko. Binago rin ng doktor ko ang gamot na iniinom ko dahil buntis ako. Ayaw ko na sana itong inumin dahil nag-aalala ako para sa kaligtasan ng anak ko, pero ang sabi ng doktor ko ay puwede naman ito sa buntis, kaya hindi ko na itinigil ang pag-inom nito. Palagi akong tinatawagan ni Mommy at kinakamusta. Dumalaw rin sila ni Ate Adirah dito sa bahay, at nagustuhan nila ang ambience dito dahil malamig ang klima at maganda rin ang tanawin sa

