Stephanie POV... Kinuha ko ang dalawang korona at tumayo. Nang biglang bumukas ang pintuan ng palacio. "MILES!!" Sigaw ni Sofia. Napatulo nalang ang luha ko dahil narinig ko ang boses ng anak ko at pagkaharap ko. Napatulala ako sa nakita ko totoo ba tong nakita ko? "H-hubby?!" Maiiyak kong sabi at tumakbo siya saakin at niyakap ako ng mahigpit. "Wifey, namiss kita okey ka lang ba sinaktan kaba nila?" Sunod sunod na tanong niya. Tumango ako. Napatingin ako kay Sofia. At nakayuko siya at naiiyak din. Kaya lumapit kami kay Sofia. "Princess. Mabuti naman at okey kana." Sabi ko sabay pat sa ulo niya. *sniff* "Wag kanang umiyak. Diba magkaibigan tayo?" Nakangiti kong sabi. "S-sorry Mama!!!" Sabi niya at niyakap niya ako. "Di ko alam na ikaw yan Mama. Naging bad girl ako sayo huhuhu

