Nathan POV... "A-anong nangyayari?!" Sabi ko nalang. "Your Majesties." Sabi ng mga kawal at nakayuko sila. "Anong nangyayari dito?" Sabi ni King Rocky. "Your Majesty, Bigla nalang nahimatay si Princess Sofia pagkadating niya dito at di na niya kasama ang babaeng galing sa nakaraan na nagngangalang Miles." Sabi ng kawal. "Ano?! Nasaan si Princess Sofia?!" Sigaw ko. "Easy lang." Sabi ni King Airo at tinapik tapik ang likod ko. "Nasa kanyang silid." Sabi ng kawal at tumakbo kami papunta duon. Pagkabukas namin ng pinto nakita namin siyang nakahiga at may Doktor sa gilid niya. "Anong nangyari sa kanya, doc?" Tanong ni wateries. "Umatake nanaman ang phobia niya. Nung namatay sa harapan niya ang kanyang ina at ama. Mukhang may nakita nanaman siyang importante sa buhay niya na nakikipagl

