Stephanie pov... Maaga akong nagising kasi ngayon ang training namin ng anak ko. Di ako sanay na tawagin siyang anak, dalaga pa ako para magkaroon ng ganun. Pero ang swerte ko na makita ko siya at makasama. Pumasok ako sa kwarto niya. Ayun ang sarap ng tulog. Tiningnan ko ang mukha niya mahimbing siyang natutulog. Pero nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa bata pa niyang edad nakapasan na siya ng malaking problema dahil iniwan namin siya. Napaiwas ako ng tingin dahil naaawa ako sa anak namin ni Nathan. Biglang tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan gamit ang kamay ko. Tumikhim ako bago ko siya ginising. "Princess Sofia. Gising na." "Ahhh extend ng 24 hours." Napatawa nalang ako parang ako lang noon. "Ngayon training natin." Sabi ko. At napatayo naman siya at nakita ko ang

