MATAGAL na hindi nakapagsalita si Mila matapos marinig ang mga salitang sinambit ng kanyang anak. Hindi na siya nagtaka kung bakit ganito kasakit para sa kanya ang lahat ngayon. Kung bakit ganoon ang naririnig niya mula rito. Dahil totoo naman talagang malaki ang naging pagkukulang niya. Kaya wala siyang ibang masabi. Kaya napipipilan siya. “Hindi ko na nga po matandaan kung anong itsura niya. Kasi masyado pa akong bata nung iwan niya ako sa tita ko,” pagpapatuloy ni Monica saka sinimulang hiwain ang nabalatan na nitong gulay. Napalunok si Mila sa narinig na iyon. “H-Hindi mo talaga maalala ang nanay mo? Kahit kaunti?” tanong niyang pilit na pinatatag ang tinig. ***** NAGKIBIT ng mga balikat niya si Monica sa tanong na iyon. “Sa totoo lang po, wala akong maalala na kahit anong det

