KABANATA 164 "BONDING"

1031 Words

GABI na nang mapagpasiyahan ni Monica ang umuwi na muna. Hindi na rin naman niya napansin si Karen sa ospital pagkatapos ng pagkikita nila kaninang umaga. Bago umuwi ay napagpasiyahan muna niyang mag grocery para mamili ng mga kakailanganin niya sa bahay. Kasama na roon ang pagkain at ibang supplies sa kusina. Sa totoo lang ay hindi pa niya masabi kung hanggang kailan siya mag-i-stay sa America. Dahil kung siya ang tatanungin, hangga't maaari gusto niya na kasama na niya si Jake pagbalik niya ng Pilipinas. Pero alam niyang imposibleng mangyari iyon hangga't hindi nagigising ang asawa niya. Kaya naman palagi ang dalangin niya ay magkamalay na ito. Palabas na siya ng grocery store nang marinig ang pagtunog ng kanyang cell phone. Nang i-check niya iyon ay saka niya nakitang si Mila ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD