“BAKIT mo ginawa ang ganoon, Ma?” ang naghihinanakit na tanong ni Karen sa kanyang ina nang abutan niya itong nagluluto sa kusina. “Bakit naman hindi? Iyon ang tama at hindi ko pinagsisisihan iyon,” sagot sa kanya ni Mila saka ipinagpatuloy ang ginagawa matapos siya nitong sulyapan sandali. Nagtaas-baba ang dibdib ni Karen dahil sa narinig niyang naging pagtugon mula sa kanyang ina. Hindi niya makita ang dahilan kung bakit kinailangan pang gawin ng Mama niya ang ganoon samanatalang sinunod naman niya ang gusto nitong mangyari. Sinunod naman niya ang gusto nito noon na sabihin niya kay Monica ang tungkol sa kalagayan ni Jake. “Pero Ma, hindi ba ginawa ko naman ang gusto ninyo? Sinabi ninyo sa akin na tawagan ko siya. Sumunod naman ako doon kahit tutol sa kalooban ko. Pero bakit kailangan

