AGAD na nakaramdam ng hindi maikakailang panibugho sa kanyang puso si Karen sa pagkakatitig niya ng malapitan sa mukha ni Monica. Hindi niya gustong maramdaman ang ganoon. Pero hindi niya mapigilan dahil totoong nakaka-insecure ang kagandahang taglay ng babaeng pinakasalan at alam niyang mahal na mahal ni Jake. Aware naman siya sa mga sarili niyang katangian. Alam rin niyang maganda siya. Pero hindi niya masisisi si Jake kung bakit at papaano itong na-attract ng ganoon sa babaeng kaharap niya ngayon. “P-Paanong?” ang nagtataka nitong tanong saka itinuon ang paningin sa ina nitong si Mila na nang mga sandaling iyon ay kinakitaan niya ng kahandaan sa aura nito. “Tinulungan ko siya,” sagot ni Mila sa tono na walang gatol. “W-What?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Karen. ***** Sa

