HINDI naman nahirapan si Monica na sumunod sa America dahil tinulungan siya ni Conrad sa parteng iyon. Sa totoo lang, sa maraming pagkakataon noon na nagkaroon sila ng hindi mabuting turingan ng binata ay masasabi niyang parang ngayon pa lamang niya ito lubusang nakikilala. Ang nakikita niyang Conrad ngayon ay malayo sa dati niyang nobyo noon na arogante at walang alam na ipagmalaki kundi ang kasikatan nito bilang isang artista. Si Conrad ngayon ay ang bersyon na masasabi niyang sana nakita na niya noon. Responsableng ama kay Althea. At isang mabuting anak sa ina nito. Habang sa kanya naman ay mabuting kaibigan. Sa nakikita niya ngayon ay halatang masaya na nga at kontento si Conrad sa mayroon silang dalawa. At ikinatutuwa niya iyon. Lalo na ngayong mayroon siyang pinagdadaaanan tun

