NAGING mabilis ang takbo ng mga araw. Kulang isang linggo mula nang magising at magkaroon ng malay si Jake at pinauwi na rin ito ng doktor. Iyon ay matapos matiyak ng mga ito na okay ang lahat ng tests results ng kanyang asawa. “Sasama ka sa bahay ko?” tanong ni Jake sa kanya nang nasa taxi na sila. Nakangiti niyang nilingon ang asawa niya saka siya tumango. “Oo naman,” aniya rito. “Bakit nga pala wala akong singsing?” tanong ni Jake sa kanya na ang tinutukoy ay ang wedding ring nito. Noon lamang naalala ni Monica ang tungkol doon. Sa dami ng mga nangyari ay parang totoong ngayon lang iyon sumagi sa isipan niya. Mabuti na lamang at ipinaalala iyon sa kanya ng asawa niya. “Sorry, nawala na sa isip ko,” aniyang inilabas mula sa kanyang bag ang isang pamilyar na plastic kung saan naroon

