“KAILANGAN mong kumain, Jake,” pakiusap niya sa asawa niya nang gabing iyon at tawagin sila ni Aling Aida para sa hapunan. Tinitigan lang siya ni Jake habang ang mga mata nito ay nanatiling namumugto dahil sa walang patid pa rin na pag-iyak. “Tell me, Monica. Bago nangyari ang aksidente, okay na ba ako?” tanong nito sa kanya. Banayad siyang tumango at pagkatapos ay nagbuka ng bibig para magsalita. “Oo, gusto mo bang ikwento ko sa iyo?” aniya sa tinig at tono ng pananalita na pinasigla. “Sige,” ang maikling pagtugon sa kanya ng asawa. “Pero kumain muna tayo. Okay lang ba sa iyo iyon? Kasi ang totoo niyang gutom na gutom na ako,” pagsasabi niya ng totoo saka iyon sinundan ng isang mahinang tawa. Sa puntong iyon ay nakita niyang ngumiti si Jake. “I’m sorry kung pati ikaw nadamay,” hing

