MAINIT ng halik na iyon na halos ikapugto ng paghinga ni Monica. Hindi rin siya makawala ssa tila bakal na mga bisig nitong nakapulupot sa buo niyang katawan. “Napakasarap mong halikan,” bulong ni Jake sa kanya nang pakawalan nito ang mga labi niya saka sinuyod ng humahangang tingin ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Napalunok muli si Monica sa sinabing iyon ng kanyang mister. Ibang klaseng init ang nararamdaman niya ngayon at masasabi niyang hindi pa niya ito naranasan sa mga nauna nang naging pag-iisa nilang dalawa ni Jake. “Anong gagawin mo sa akin ngayon, Jake?” tanong niyang pinatatag ang kanyang tinig saka ginaya ang paraan ng paghagod nito ng tingin sa kanyang mukha. Noon umangat ang sulok ng labi ni Jake. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang nakuha ng kanyang asawa an

