KABANATA 155 “FEAR 2”

1090 Words

MATAGAL nang natapos ang usapan nila ni Mila sa telepono pero nanatiling nakatitig pa rin si Monica sa piraso ng papel kung saan niya isinulat ang cellphone number pati na rin ang address nito. Hindi man niya lubusang maunawaan kung bakit ganoon ang gustong mangyari ng ina ni Karen ay hindi na lamang siya nagtanong. Iyon na lamang ang minabuti niyang gawin dahil ang totoo, nang mga sandaling iyon walang ibang mahalaga para sa kanya kundi ang makita at makasama si Jake. “Hello? Myla? Pwede ka bang dito sa bahay matulog ngayong gabi?” Alam niyang walang pasok ngayon si Myla. At dahil nga sa nangyari ngayon lang ay kailangan niya ng makakausap. Pagod at posibleng tulog na si Aling Nida. At isa pa kailangan rin ni Ma’am Cecille ang makakasama kaya si Myla nalang ang naisipan niyang tawagan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD