KABANATA 154 “FEAR 1”

1155 Words

TUMITIG lang si Monica sa mukha ng matalik niyang kaibigan. Pagkatapos ay nagpahid ng mga luha at nagbuntong hininga. Hindi man niya gustong bigyang pansin ang takot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasan. “Pero paano kung---?” hindi na naituloy pa ni Monica ang iba pa niyang gustong sabihin nang maalala ang sinabi sa kanya ni Karen kagabi. “Ano?” ang halos magkapanabay na tanong nina Aling Nida at Myla. Suminghot si Monica at pagkatapos ay hinayaan ang mga luha niya na muling kumawala. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya. Bukod pa roon ay parang hinihiwa rin sa maliliit na piraso ang kanyang puso kaya sobrang sakit ng nararamdaman niya. “Sinabi sa akin na Karen na may chance na hindi ako makilala n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD