KABANATA 153 “OLD FLAME”

1179 Words

USA; Three Days Before… “HINDI tama ang ginagawa mo, hija,” ang nagpapaunawang paliwanag ni Mila sa kanya habang magkakaharap silang tatlo at kumakain ng hapunan. “Anong gusto ninyong gawin ko, Ma? Ibalik si Jake sa Pilipinas?” tanong niya na bahagyang nahaluan ng inis ang tono. Nagbuntong hininga si Mila saka sinulyapan ang ama niyang si Romeo na nakatitig lang din sa kanya. “Mahal ko si Jake, Ma!” giit niya saka ibinalik ang paningin sa pagkain na nasa kanyang harapan. “Pero may asawa na siya. Hindi tama kung ipipilit mong maging sa iyo siya dahil oras na magising si Jake at malaman niya ang totoo, tiyak na magagalit siya sa iyo,” patuloy nitong paliwanag sa kanya. Parang sa sinabing iyon ng kanyang ina ay noon lamang din tila natauhan si Karen. Pakiramdam niya ay nagising siya mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD