HINDI na iyon bago kay Monica kung tutuusin. Dahil ilang beses na ring ipinaranas sa kanya ng kanyang mister ang ligayang katulad nito. Pero dahil siguro sa pagmamahalan na nararamdaman nilang dalawa para sa isa’t-isa ay parang laging first ang bawat sandaling nangyayari na nag-iisa silang dalawa. Ang maiinit na sandaling pinagsasaluhan nila ay palaging memorable at masasabi niyang kahit kailan ay hindi niya makakalimutan. At sigurado siyang ganoon rin naman si Jake. Dahil iyon ang ipinadarama nito sa kanya. Nang simulan ni Jake ang pagpapadaan ng mainit nitong dila sa kanyang kaselanan ay hindi na sinubukan ni Monica ang magpigil sa lahat ng ingay na pinakakawalan niya. Sa halip ay hinayaan niya ang lahat ng iyon na kusang nanulas sa kanyang mga labi sa paraan na tila ba may sarili iy

