KABANATA 208 “MASYADO PANG MAAGA”

1169 Words

“A-ANO bang sinasabi mo, Monica? Mag-asawa tayo, hindi ba?” Bakas na bakas sa tono ng pananalita ni Jake ang matinding sakit. Bukod pa roon ay halatang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. At iyon ang sa tingin niya ay isa pang dumagdag sa paghihirap na nararamdaman nito. “Sana ganyan din ang naging mentalidad mo nung ako ang naglihim sa iyo. Pero hindi eh. Mas pinili mong magalit ng sobra sa akin na para bang napakalaki ng naging kasalanan ko sa’yo. Hindi ko nga alam kung kasama ba sa pagkakaroon mo ng amnesia ang pagiging mababaw ang pang-unawa? Kasi alam ko naman na matalino kang tao, pero bakit ganoon ang ginawa mo sa akin? At kung hindi dahil doon, kung hindi mo sana inalagaan sa puso mo ang galit na iyon para sa akin, siguro wala tayong dalawa sa ganitong sitwasyon ngayon,” ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD