“ITO ang kwarto mo noon,” kwento ni Monica kay Jake nang nasa bahay na niya sila. Minabuti niyang huwag na munang isama doon sina Althea at Anna dahil medyo mainit ang sikat ng araw. “Ah, kaya siguro dito ako nag-stay noon dahil na akita ko sa kagandahan mo nung nakita kita?” ani Jake saka kinurot ang pisngi niya. “Siguro nga, kasi iyon ang sinabi mo sa akin noon eh,” aniyang humagikhik at pagkatapos ay niyaya na sa labas ng bahay si Jake. Si Myla nang mga oras na iyon ay nasa eskwela. Kaya naman walang tao noon sa bahay at silang dalawa lang ni Jake. “Sa susunod na mga araw magiging busy ako ah. Aayusin ko na kasi ‘yung mga orders ng kakanin at leche flan,” aniyang iniabot ang isang baso ng malamig na tubig kay Jake pagkatapos. “Okay. Anyway, kung kailangan mo ng tulong ko sabihan

