“ANONG ibig mong sabihin na babalik ka ng Pilipinas?” si Romeo iyon sa anak niyang si Karen. Noon nakita ni Mila na nagtaas-baba ang dibdib ni Karen dahil sa galit. Pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang pagkain saka muling nagbuntong hininga. “Hindi ako nagpapaalam sa inyo, Pa. Nagsasabi lang ako para alam ninyo kung nasaan ko kapag nawala ako,” ang dry nitong sagot sa ama. Sa puntong iyon ay galit na ibinagsak ni Romeo ang hawak nitong kutsara at tinidor sa plato. Kaya naman gumawa ng ingay ang mga iyon doon. “Hon,” awat niya sa asawa. “No, this has to stop!” ang galit na sabi ni Romeo. “Hindi Pa! Sa pagkakataong ito hindi na ako makikinig sa inyo o kahit dito kay Mama. Kasi kapag ginawa ko iyon ay mas mahihirapan at masasaktan lang ako. Kasi hindi ko ipinaglaban ang lalaking mahal k

