WALANG makapagsasabi kung kailan matatapos ang nakababaliw na init na inihahambalos ni Jake sa kanya nang mga sandaling iyon. Ang malalakas nitong mga daluyong ay hindi maipapaliwanag ng kahit anong salita. Kung papaanong hindi niya magawang ilarawan kung ano ba ang totoong nangyayari sa pagkatao niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung sinasamantala ni Jake ang kahinaan niya. Pero hindi na importante sa kanya ang lahat ng iyon. Dahil kung sakali man, isang napakasarap na pananamantala ang nangyayari sa kanya dahil sa kagagawan nito. Ilang sandali pa at muli na namang sumigaw si Monica. Iyon ay dahil muli na naman siyang inilapit ni Jake sa magandang lugar na alam niyang silang dalawa lamang ang nakakaalam. At nang marinig ng kanyang mister ang kanyang naging reaksyon ay aga

