KABANATA 200 “MASAKIT NA KATOTOHANAN”

1154 Words

MATAGAL na tinitigan ni Monica si Aling Nida matapos ang sinabi nitong iyon. “T-Totoo po ba ang sinasabi ninyo? Kayo ang tunay na ina ni Jake?” ang hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Monica sa ginang. Magkakasunod na tumango si Aling Nida habang ang walang patid na pagdaloy ng mga luha nito ay tila walang katapusan na. “Alam kong hindi madaling paniwalaan ang sinasabi ko, hija, pero iyon ang totoo. Dahil ako man, hindi ko inasahan na sa ganitong pagkakataon ko makakatagpo ang batang iniwan ko noon sa malaking simbahan sa probinsiya namin,” ang mapait na salaysay ni Aling Nida saka suminghot. Noon kumilos si Monica saka inabot ang kahon ng tissue na nasa ibabaw ng counter. Pagkatapos ay iniabot iyon sa matanda. “Kaya po ba kayo lumuwas dito sa Maynila para hanapin si Jake?” tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD