KINABUKASAN ay mas inagahan ni Jake ang gising niya kaysa karaniwan. Wala sa plano niya ang kumain ng almusal kaya niya ginawa iyon. Iniisip rin kasi niya na baka pagkatapos ng pagtatalong namagitan sa kanila ni Monica kagabi ay hindi na ito mag-abala pang umuwi para ipagluto siya. Lalo lang siyang masasaktan. ***** MALUNGKOT na napabuntong hininga si Monica nang makauwi siya kasama sina Anna at Althea. Iyon ay dahil wala na sa bahay si Jake. Hindi na niya ito inabutan kahit mas maaga kaysa karaniwang gising niya ang kaniyang ginawa. Pero sa halip na magpadala sa lungkot na kaniyang nararamdaman ay minabuti na lamang ni Monica na abalahin ang sarili niya sa pag-aasikaso ng mga gawaing bahay para sa araw na iyon. Hindi niya alam kung tama bang siya ang magpakumbaba at sumuyo kay Jake. Pe

