HINDI kaagad nakapagsalita si Monica matapos ang kaniyang narinig. Bakit ba hindi niya naisip na pwedeng gawin ni Karen ang tungkol doon? Sa huli niyang naisip ay napabuntong hininga na lamang si Monica. “Ano ba ang totoo, Monica? Ang gusto ko kasi ay manggaling mismo sa iyo. Ayokong basta nalang maniwala kay Karen at sa mga sinasabi niya kasi alam ko naman kung ano ang totoong goal niya,” pagpapatuloy ni Jake nang manatili siyang tahimik. Sa puntong iyon ay saka pa lamang tuluyang na-realized ni Monica na hindi na niya matatakasan ang sitwasyon ito. Kailangan na niyang aminin kay Jake ang totoo dahil may palagay siyang magsinungaling man siya ay parang alam na nito ang totoo. Na para bang assurance na lamang ang hinihintay nito galing sa kanya. “T-Totoo ang sinabi niya,” nang sa huli a

