KABANATA 191 “SULSOL NG DEMONYO”

1060 Words

“KUMUSTA na kayong dalawa ni Jake?” si Mila iyon dalawang linggo matapos ang naging huling pag-uusap nila ni Jake. Abala noon si Monica sa paggawa ng mga orders niya habang ang kaniyang ina ay kasalukuyang karga-karga ang po nitong si Althea. Nagkibit ng mga balikat niya si Monica saka nagbuntong hininga bago itinuloy ang paglalagay ng foil sa mga liyanera ng leche flan na susunod niyang isasalang sa steamer. “Ganoon pa rin, nay. Madalas sa ospital siya natutulog. Kapag nasa bahay naman siya bihira din siyang magsalita at hindi ko gaanong makausap,” pag-amin niya saka muling nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo para kahit papaano ay gumaan ang kalooban mo, anak,” ang nanay niya sa kanya na kinabakasan niya ng lungkot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD