KABANATA 202 “GREATEST BETRAYAL 1”

1054 Words

HINDI man gustuhin ni Jake pero wala talaga siyang mapagbalingan ng sama ng loob na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon kundi alak. Wala siyang kasiguruhan kung uuwi si Monica sa kanya ngayong gabi. Pero sa sakit na nararamdaman nga niya, parang mas gusto niyang sabihin dito na huwag nalang. Hindi niya ito gustong makita. Masama talaga ang loob niya rito at kasama na rin doon ang selos na kung tutuusin ay matagal na niyang iniignora sa puso niya. Oo, katulad nang sinabi niya sa kanyang asawa noong isang gabi, nagseselos talaga siya kay Conrad. Pero hindi iyon alam ni Monica. Naluluha siyang muling nagsalin ng alak sa kanyang baso saka iyon muling tinungga. Sa natatandaan niya ay wala pa siyang naranasang ganito kasakit. Ngayon lang at sa asawa pa talaga niya. Sa pagkakaisip ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD