“ANONG sinabi?” tanong ni Mila matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone sa lamesa. Dumating siya sa matandang bahay na tapos ng kumain ang kanyang ina at si Anna. Habang si Myla naman ay nakaalis na para sa pang-gabi nitong klase. “Hindi po niya tinanggap ang tawag ko eh. Pero nag-text siya. Ang sabi niya hindi daw siya uuwi,” pagsasabi niya ng totoo sa kanyang ina. Tumango si Mila saka siya nilapitan ang iginiya paupo sa silyang malapit sa kanya. Pagkatapos ay naupo na rin ito sa kanyang tabi. Nang mga oras na iyon ay nasa kwarto na si Althea kasama si Anna na pareho nang natutulog. Sa totoo lang, wala naman talaga sa plano niya ang umuwi ngayong gabi. At dahil iyon sa nakita niya kanina sa clinic ni Jake. Masama talaga ang loob niya sa asawa niya kahit kung tutuusin ay kinumbinsi

