KAHIT pa may kurot sa dibdib ni Karen ang katotohanang nang mga sandaling iyon ay pangalan ni Monica ang sinasambit ni Jake, mas pinili niyang huwag nang bigyan o pagtuunan iyon ng pansin. Ang importante sa kanya nang mga sandaling iyon ay ang katuparan ng matagal na niyang pinapantasya mula nang magkahiwalay sila ni Jake. Kasama na rin doon ang matagal na niya pinagpaplanuhan ang sirain ang mag-asawa at mabawi ang lalaking pinakamamahal niya. “J-Jake,” anas niya na sinimulang hubaran ang lalaking nasa kanya ngayong harapan. Hindi siya tinugon ni Jake at sa halip ay muli siya nitong kinuyumos ng halik na siya naman talagang gustong-gusto niya. “Make love to me,” anas ni Jake na kinagat pa ang dulo ng kanyang tainga. Agad na nagtumindi ang init na nararamdaman ni Karen nang mga sandali

