Three weeks later... IBINAON ni Shania ang kanyang ulo sa unan nang marinig ang pagkatok ni Heather mula sa pinto marahil upang mag-alok sa kanya ng hapunan. Hindi niya iyon pinansin at nanatiling nagbingibingihan. Marahil hindi na nakatiis kaya tumigil na si Heather sa pagkatok at narinig niya ang usapan nito kay Alexandria sa group chat gaya ng nakagawin ng mga ito gawin simula nang makita niya ang pagloloko ni Isaac. “Shania's not eating dinner again. Brunch lang kinain niya kanina pero hindi pa naubos,” wika ni Heather at bumuntong-hininga. “Nag-aalala ako. Weeks lang ang lumipas pero ang laki ng ipinayat ni Shania. God, please help me not to look for Isaac or pray to not even stumble upon him. I will really punch him in the face if I see him, Alex, i swear... nanggihil ako. What?! A