“GIFT?” tanong ni Mika, kunot ang noo. “For what?” ”Today is our fourth anniversary, Mik. So, I need a gift,” sagot ni Shania na mas lalong nagpakunot noo sa tatlo. Napapantastikuhan na nanlaki ang mga mata ni Alexandria. “Jeez. Baka fourth monthsary, Shan. Masyado kang advance.” “Balik mo nga ito sa grade one, Heather,” tudyo ni Mika sabay iling-iling. “Hindi marunong magbilang, eh.” “Bakit ako?” tanong ni Heather. “Busy ako.” Nagkatinginan silang tatlo bago napapikit sa sagot ni Heather. Umismid si Alexandria bago kumain ng strawberry habang si Mika naman ay napahilot sa sentido. “Itong si Heather talaga, sa sobrang galit sa mundo, hindi na matukoy ang joke at hindi, eh,” wika ni Mika at huminga nang malalim. “Tumataas ang dugo ko punyeta. May isa akong kaibigan na walang muwang ta